Facebook

Tuesday, February 22, 2011

Untitled (Blangko ang Isip, Sugatan ang Puso)

Dumating ka na ba sa point na parang ang dami mong gustong gawin pero wala kang magawa? Yun bang pagising mo sa umaga ang bigat bigat  na nang pakiramdam. Kahit anong ngiti ang gawin mo, hindi ito makita sa labi mo. Kahit anong pilit ang gawin mo sa sarili mo para sumaya, walang epekto.  Dahil ba ito sa hindi maipaliwanag na sakit na nararamdaman ng iyong puso?

Mahirap maintindihan ang mga pangyayari. Nakakaskait ng ulo (at siyempre ng puso) na kahit anong gawin mong pigil sa sarili mo na lumapit, kahit anong gawin mong iwas, siya pa rin ang binabalikan mo. Kasi nariyan din naman siya palagi sayo ngunit parang may malaking kulang sa mga ginagawa niya. May pagbabago, malaking pagbabago sa kanya. Kahit gusto mong malaman ang dahilan ng lahat, natatakot kang malaman ang mga bagay na isasagot niya kasi hindi mo alam kung kaya mo bang tanggapin ang mga bagay na malalaman mo. Gusto mong maging malinaw ang lahat ngunit takot kang baka ito na ang huli at tuluyan na siyang mawala.

Bakit ganon?  Ang hirap.........

Ganito ba ang pag-ibig???

Sana may nabibiling gamot sa botika para dito, kasi sobrang sakit talaga.

3 comments:

  1. aruruy...nice one bro...may nakakarelate dito...hehe

    ReplyDelete
  2. baling magpost din ng kwento...based on experience...hehe

    ReplyDelete
  3. haha. magpost ka din ng kwento para masaya. wait ko yan

    ReplyDelete