Facebook

Sunday, February 6, 2011

Mapaglarong Tadhana 2

Paensiya na po, natagalan ang post ng chapter na ito. I was pre-occupied with so many things to do. Maikli lang di ito. Tuyot ang utak ko ngayon. Hehehe.


-------------------------




Hindi naman kalayuan ang lugar na ito sa Maynila. Mga 3-4 na oras lang mula sa Maynila. Masaya siya habang papauwi ng bahay. Kahit pa sa malalayo siya sa pamilya, may trabaho naman siya. Makakatulong na siya sa pagpapagawa ng kanilang bahay. Pagkatapos kasi ng sunog sa kanilang lugar, hanggang ngayon hindi pa rin tapos ang kanilang bahay. Hindi mawaglit sa isip niya ang magiging buhay sa bago niyang trabaho.

Ah, bahala na.


Chapter 2




Pagkarating niya sa bahay, agad niyang hinanap ang kanyang ina. Kailangan masabi niya dito ng maayos na sa probinsya siya madedestino. Malamang na tumanggi ito. Bilang bunso sa pamilya ito ang unang beses na malalayo siya sa kanila. Pero kaylangan nilang tanggapin na malaki na siya. Unana-una kaylangan nia talagang kumita ng pera. Pangalawa gusto rin naman niyang maranasan ang mabuhay na mag-isa. Walang inaasahang tulong mula sa iba upang kahit papano, matuto naman siya sa buhay.


Natagpuan niya ang ina sa kusina at naghahanda ng pagkain para sa hapunan. 


"Nay, narito na po ako. Wala pa po ba ang Tatay?".


"Kumusta ang lakad anak? Wala pa ang tatay mo eh. Baka mayamaya lang darating na din yun. Pahinga ka muna baka pagod ka sa byahe".


"Ok naman po Nay, eto po dala ko na ang ID at uniform ko. Bukas po magsisimula na din ako". 


"Saan ka daw naman madedestino? Sana malapit lang ano, para di ka naman mahirapan". 


"Yun na nga po Nay, sa probinsya daw po ako maasign."


"Whaaaaat?", sagot ng kanyang inay.


"Grabe ka naman maka-react Nay. OA hah..Kaya nga po pagkatapos natin kumain, maghahanda na ako ng mga dadalhin kong gamit. Maaga pa ako aalis bukas. Ayoko ma-late sa unang araw ko."


"Magpapalit lang po ako ng damit nay ha. Tulangan ko kayo diyan". Kahit na ang totoo wala naman talaga siyang alam sa pagluluto. Pritong itlog at noodles lang ata ang kaya niyang lutuin. Pero pagdating naman paglilinis ng bahay diyan mo siya maasahan. Kung baga sa katulong, hindi siya pang-all-around pero pwede na.


Matapos magpalit ng damit ni Anna, agad siyang bumalik sa kusina. Wala nman siyang balak na tulungan ang ina. Gusto lang niyang tikman ang niluluto nito. 


Mayamaya lang dumating na din ang kanyang itay galing sa trabaho. Ibinalita nya kagad dito ang tungkol sa bago niyang trabaho. Masaya naman ito may trabaho na ulit siy. Yun nga lang nag-aalala din ito ng malaman na sa malayong lugar siya ma-aasign.


Habang kumakain sila, iyon pa rin ang topic ng usapan nila.


"Nak, siguardo ka bang gusto mong maasign sa probinsya. Pwede ka namang hindi tumuloy", sabi ng itay niya.


"Tay, ok lang ako. Malaki na po ako. Kaylangan ko din naman pong matuto sa buhay. Hindi naman po sa lahat ng oras nariyan kayo para sa akin. Gusto ko naman maranasan mabuhay ng sa sarili ko lang. at isa pa, ito na siguro ang panahon upang ako naman ang bumawi sa inyo, sa lahat ng mga hirap ninyo", ang sagot niya.


Dahil sa mga sinabi niyang yon ay pumayag na rin ang mga ito.


Pagkatapos niyang kumain, inihanda na niya ang kanyang mga kakailanganing gamit. Hindi naman siya magdadala ng maraming gamit, mga importanteng gamit lang ang dadalhin niya.




Isang mahabang gabi ito para kay Anna.

No comments:

Post a Comment