Facebook

Tuesday, March 15, 2011

Buwan ng Kwuresma

Pumasok na pala ang buwan ng kwuresma. Nagulat na lang ako pagpasok ko sa aking trabaho, may mga krus na itim sa noo ang mga tao tanda ng nagsimula na ang isa sa pinakaimportanteng panahon para sa mga katoliko. Panahon ng pagninilay-nilay sa nagdaang isang taon. Tamang panahon ng pagsusulit sa ating sarili kung makakapasa na ba tayo at makakapasok sa kanyang kahiraan.

At nitong nakaraang Friday, isang malakas na lindol ang gumimbal sa Japan, kasunod ang isang dambuhalang tsunami. Maraming buhay ang nasawi, marami ang natakot at hanggang ngaun patuloy pa ring dumarami ang natatagpuang patay.

Marami tuloy ang nag-iisip, nalalapit ang ba nag kanyang paghuhusga sa sangkatauhan?

Wala namang nakakaalam kahit isa man sa atin kung kelan ito darating..

Ang sigurado lang isa itong paalala na sa kabila ng mga karangyaan at kasikatan. May mas mataas at mas makapangyarihan pa rin sa atin.

At sa huli....tanging SIYA lang ang huhusga..,

No comments:

Post a Comment