February 14...................buwan ng Feb-ibig. Masaya ang lahat (ng may partner). Pero ang mga wala..... haayan na lang, isang araw lang naman yan (haha..bitter). Mas masaya naman maging single, walang bawal. Ikaw ang boss kung baga. (at nag-sour graping pa.)
Mapupuno na naman ang mga hotel at motel sa buong Pilipinas. Ngunit ang mga walang budget, tiis sa bahay comportable na, wala pang gastos. Walang limit ang oras. Lolobo na nman ang pupolasyon ng Pilipinas. Kung ichecheck kaya ang mga data sa NSO, maramio kayang ipinapanganak ng November? (wala lang naitanong lang ng marumi kong isip.) Magkakaubusan siguro ng suppoly ng condom. (para sa ayaw magkaroon ng sabit at pag-ibig na umusbong sa maling tao at panahon.) Ingat po kayo. haha
Ang mga single naman ayon pilit isinusubsob ang sarili sa trabaho. Malibang man lang at hindi maalala ang pressure na maghanap ng partner lalo na yung mga nagkaka-edad na (ako ata yun). Bakit ba naman kasi kung kelan nalalapit ang buwan na ito saka pa naisipang maghiwalay. Hindi tuloy nakahanap ng ipapalit. Hahaha. Huwag nyu naman ako i-pressure. Nahihirapan din ako.Huhu.
Ano man ang paraan kung paano natin i-celebrate ang araw na ito, sino man ang kasama natin o nag-iisa man tayo(bitter talaga), sana sumagi sa isip natin na ang araw na ito ay hindi lang para sa mga may partner kundi para sa lahat na ayaw ng gulo. Para sa mga taong gusto ng tahimik na pamumuhay. Para sa mga taong naghahangad ng isang tahimik na bansa at mundo.
HAPPY VALENTINES!!!
No comments:
Post a Comment