Facebook

Wednesday, January 26, 2011

Hanggang Saan Para sa Pag-ibig? (inspired by the books of Bob Ong)-An Early Valentines Special

Nagising ako na masakit ang katawan... Hindi ko alam kung dahil ba ito sa panahon o sa isang pangyayaring.... haaaaa.   ewan Haizzzzt...
 
Lamig ng simoy ng hangin parang pasko lang ah. Hehe. Kaya ayan tuloy may sipon may ubo. Sinabayan pa ng dalaw ng bestfriend kong tonsilitis. Matagal-tagal na din siyang hindi dumadalaw, namiss siguro ako. Pero ako din nman namiss ko din siya. Kaya nga sinalubong ko agad siya ng partner kong si amoxicillin , ayon at nagmamadaling umalis. may pupuntahan pa ata. Hahaha. 
 
Pero itong si ubo at sipon, matigas ang ulo, ayaw umalis. Sinubukan ang payo ni John Lloyd, ayan medyo nanahimik naman. Sadyang tinatamad akong pumasok kaya napagpasyahan kong mag-undertime na lang.
 
Isa pa, sinisigawan na rin ako ng mga marurumi kong damit na labhan ko na daw sila. So,I have no other option. Wala na rin kasi akong isusuot na uniform. Kaya kahit masaya ang pakiramdam pinilit maglaba. Hindi ko nga lang alam kung malinis nga bang lahat yun. Hahaha. Sayang din kasi ang ibabayad sa laundry shop, isang C3 na yun sa jollibee. Haha

Tapos eto, sumilip sa facebook, siyempre laro ng City Ville, sayang ang unlimited plan sa SUN kung hindi gagamitin. At habang naghihintay ng energy para mkapaglaro ulit, naisipan kong bisitahin ang Billy's Corner. Matagal ko na pala di na-update ang blog ko. Two weeks na ata. Haha. Kaya ayon naisipan kong ipost dito yung nasa profile ko sa MOKO.Mobi(isang Social Networking sa mobile phone). And it goes like this.....

------------------------

Bakit ka pa susugal sa isang bagay kung sa simula pa lang, alam mong dehado ka na? Tama bang kumapit sa pag-asang sa bawat laro ay laging may JACKPOT? Handi naman karuwagan ang pagsuko kung alam mong wala ka ng pag-asang manalo.
 
Sabi nga ni Bob Ong, "Sana ang pag-ibig katulad lang ng isang pampasaherong jeep, kapag nagbigay ka ng buo may sukli pa rin kahit papaano."(
May point,...isa nga pala siya sa mga paborito  kong author lalo na yung mga ideas niya sa mga aklat niya na "ABNKKBSNPLAKO" at "Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino". Kumpleto ako ng libro nya hanggang "Kapitan Sino". Haha. Adik di ba?)


Sabi ko naman, kung maihahalintulad man ang pag-ibig sa isang jeep, at kung ang pag-ibig nga talaga ay isang jeep, gusto ko na ako lang ang pasahero nito, yun bang tipong arkilado. Magbayad man ako ng buo, at sukli man ay hindi kumpleto. Masaya naman ako. Safe pa ang puso ko.

Sumakay na lang kayo, kapag bumaba na ko. Hahaha.

Tama naman di ba? Arkilado ko na to ah.... Bakit sasakay ka pa.
Hindi sa lahat ng pagkakaton pwede ang "the more,the merrier" oh kahit pa "the most, the merriest" haha.
 
Hindi naman kaylangan ng maraming tao para bumuo ng mundo eh. Minsan kahit isa lang ang kasama mo, buo na ang mundong kayalangan mo.-Bob Ong ulit. haha

Magkaganun pa man, ano man ang dahilan natin kung bakit tayo nagmamahal, o kung sino man ang taong ating mamahalin, magtira tayo para sa ating sarili. Ipakita natin na mahal natin ang ating sarili upang mahalin din tayo ng mga taong mahal natin. Malabo ba? Haha. Kaya ninyo yan..
 
Happy Valentines Day!!! (ang aga ah)

1 comment: