by: Billy Lantita
Ang kwentong inyong mababasa ay hango mula sa tunay na buhay. Ang mga pangalan ng mga taong sangkot ay sadyang binago para sa kanilang kapakanan.
Isang araw buwan ng Marso, isang text ang natanggap ni Anna mula sa kumpanyang kanyang inaaplyan. Mula kasi ng matapos ang kanyang kontrata sa dating kumpanyang kanyang pinagtatrabahuhan ay hindi na siya umaasa na makakabalik siya dito. Isa pa, sadyang ayaw na rin niyang bumalik pa dito. Bukod kasi sa hindi na maayos ang sahod, hindi rin maganda ang pamamalakad sa kumpanyang ito. Kung kaya nagbakasakali siyang mag-apply sa ibang kumpanya. At sa awa naman ng Diyos, heto pinagrereport na siya sa opisina ng kumapanya upang malaman kung saang branch siya madedestino at upang makuha na din ang kanyang ID at uniporme.
Pagkatapos mabasa ang text agad siyang naghanda para sa bagong trabaho. Medyo magkahalong kaba at excitement ang kanyang nararamdam ng mga oras na yun.
"Oh anak, mukhang may lakad ka ngayon ah.Saan ka ba pupunta at mukhang gayak na gayak ka", wika ng kanyang ina.
"Ah Nay pinagrereport po kasi ako ngayon ng kumpanyang pinag-aplayan ko. may trabaho na po ulit ako. Baka naman po may pera kayo diyan. Wala na po kasi akong pera ngayon.Kung maglalakad kasi ako baka, abutin ako ng isang linggo bago makarating dun." Pabirong sagot niya sa kanyang ina.
Natawa ang kanyang ina sa kanyang tinuran.
"Ikaw talagang bata ka. Oh heto, mag-ingat ka ha." Sabay abot ng pera sa kanya.
"Opo Nay. Salamat ha. Babayaran din po kita ng bonggang-bongga kapag may suweldo na ko", sabay yakap sa ina at nagpaalam.
Habang nag-aabang ng masasakyan hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Sa wakas makakatulong na ulit siya sa kanyang mga magulang. Bunso si Anna sa pitong magkakapatid. May asawa na ang kanilang panganay, at ang dalawa pa niyang kapatid. Ngunit hindi maiwasang humingi pa rin sa kanila ng tulong ang mga ito lalo na kung nagigipit. Hindi pa tapos ang kanilang bahay kaya kaylangan talaga niyang kumita ng pera ngayon.
Biglang naputol siya sa kanyang pag-iisip ng mapansin niya ang isang paparating na jeep. Pinara niya ito at agad din sumakay.
"Manong bayad po, Araneta Ave. lang po".
Medyo maluwag ang kalsada ng mga sandaling iyon kaya naging mabilis ang kanyang biyahe. Pagkababa niya ng jeep agad siyang sumakay ng tricycle upang marating ang opisina. Pagdating niya doon sinabi niya na pinagrereport siya ngayong araw na ito. Pinaupo muna siya ng isang babae. Maganda ito at mukha namang mabait.
"Sandali lang hija ha, ihahanda ko lang yung contract mo. Ano nga palang pangalan mo? Marami kasi kayong magrereport ngayon. Ikaw pa lang ang dumarating", pagpapatuloy ng babae.
"Anna po ma'am". "Anna Marie Hernandez po".
Hinanap ng babae ang pangalan niya sa files at nagsimulang ihanda ang contract ng makita ang pangalan niya dito. Matapos ito ay iniaabot sa kanya ang kontrata.
"Hija, ito ang kontrata, basahin mong mabuti at pirmahan mo na din", paliwag ng babae.
Tulad ng sinabi ng babae, binasa niya ito at nilagdaan. Limang buwan ang kanyang kontrata at depende sa magiging performance niya kung muli pa siya iha-hire ng kumapanya. Pagbubutihin niya ang kanyang trabaho upang mahire muli at magkaroon ng chance na maregular ang naisip niya. Nakasaad din dito ang kanyang suweldo. Hindi ito minimum ngunit mas malaki keysa sa una niyang trabaho. At ayon sa babae, may mga incentives pa rin siyang makukuha, kung pagasasamahin mo, malaki din naman. Mapapaayos na nila ang kanilang bahay. Makakatulong na din siya sa kanyang mga kapatid at mga pamangkin.
"Anna sa probinsya ka nga pala muna namin i-aasign ngayon. Kaylangan kasi ng dagdag na tao dun para sa paparating na peak season. Huwag kang mag-alala mababait naman mga staff dun. Sila na ang bahala sa pansamantala mong tutuluyan dun. Mura lang ang renta at magkakasama din kayo kaya hindi ka matatakot. Na-inform na rin namin ang branch natin doon na magrereport ka na bukas. May bakante pa naman daw sa boarding house nila kaya doon ka na lang para magkakasama kayo", mahabang paliwag ng bababe.
Medyo nagulat siya sa sinabi ng babae. Sa simula pa lang sinabihan na sila kung handa ba silang maasign sa pobrinsya. Pumayag naman sila kasi kaylangan ng trabaho. Pero umasa pa din siya na hindi siya maaasign dito, na dito lang sa manila para kasama pa rin niya ang kanyang mga magulang. Ngunit heto na nga, sa pronbinsya siya maaasign. Nagdalawang isip kung tatanggapin niya ang trabaho. Ngunit sa huli pumayag na din siya. Kaylangan talaga niya ng trabaho.
"Ano Anna, ok lang ba sayo?"
"Opo ma'am".
"O sige, mabuti. Eto ang ID mo. bumili ka na lang ng uniform doon sa kabilang kwarto", at sinabi sa kanya kung saang probinsya siya madedestino.
Hindi naman kalayuan ang lugar na ito sa Maynila. Mga 3-4 na oras lang mula sa Maynila. Masaya siya habang papauwi ng bahay. Kahit pa sa malalayo siya sa pamilya, may trabaho naman siya. Makakatulong na siya sa pagpapagawa ng kanilang bahay. Pagkatapos kasi ng sunog sa kanilang lugar, hanggang ngayon hindi pa rin tapos ang kanilang bahay. Hindi mawaglit sa isip niya ang magiging buhay sa bago niyang trabaho.
Ah, bahala na.
Itutuloy
No comments:
Post a Comment