Facebook

Thursday, October 13, 2011

Minsan, Masakit Tanggapin ang Katotohanan

"Huwag mo ng sikaping hanapin ang katotohanan kung hindi mo kayang tanggapin ang iyong matutuklasan."
-billy

Madalas gusto nating tuklasin ang mga bagay-bagay sa ating paligid. Nais nating malaman ang katotohan upang kahit papano masagot ang mga katanungang naglalaro sa ating mga isip. Mga bagay na nagpapahirap sa ating kalooban.

Ngunit papaano kung ang katotohanang ating malalaman ay magdudulot pala ng mas matinding sakit sa ating  puso? Handa ba tayong tanggapin ang mga katotohang ito?

Kaya pa bang indahin ng sagatan mong puso ang panibagong kirot na dulot ng katotohanang ito?

myfreecopyright.com registered & protected

No comments:

Post a Comment