still we sleep comfortably right before the music starts.
Kahit pa noong panahon ng ating mga ninuno, nabubuhay sila sa saliw ng mga musika. May musika para sa pagsasaka, pangingisda, pakikidigma, pag-aani, pagsasaya at kahit pa sa pagdadalamhati. Masasalamin natin kung ano ba ang naitutulong ng musika sa ating pang-araw araw na buhay.
Imagine life without music........boring. You're celebrating your birthday....walang music.....boring. Maghapon ka sa trabaho....pagod ang katawan..walang music......hay....nakakadagdag pagod. In other words, music makes our life easy. Kahit na gaano kabigat at kahirap ang iyong araw, nandiyan ang musika upang ito ay pagaanin.
In my case, pampatanggal stress ang dulot ng musika para sa akin. Matapos ang isang nakakapagod at nakaka-stress na maghapon sa trabaho, isang paboritong musika lang ang katapat nito. Parang stress tab lang. Libre pa.
Ngunit minsan may mga musikang nagpapaalala sa atin ng isang masakit na nakaraan sa ating buhay. Mga bagay na dati ay nagpasaya sa atin saksi ang mga musikang ito. Ngunit sadyang hindi lahat ng bagay ay pangmatagalan. May mga bagay na kailangang matapos at ang naiiwan na lamang ay ang sugat ng nakaraan na parang isang marka na nakatatak sa bawat titik ng ating awitin. Minsan mahirap malimutan ngunit malay natin isang musika lang din pala ang makakagamot dito.
Whatever significant things music may bring into our life. The best thing is that we learn to go with its flow. Kaya nating sabayan kung ano man ang taas ng kanyang tono. At sa huli, nasa atin pa rin ang desisyon kung ano man ang kahahantungan ng ating buhay.
Let's celebrate life with music!
Kay Ganda Ng Ating Musika
Performer: Hajji AlejandroMagmula no'ng ako'y natutong umawit
Naging makulay ang aking munting daigdig
Tila ilog pala ang paghimig
Kung malalim, damdami'y pag-ibig
Kung umapaw, ang kaluluwa't tinig
Ay sadyang nanginginig
Magmula no'ng ako'y natutong umawit
Bawat sandali'y aking pilit mabatid
Ang himig na maituturing atin
Mapupuri pagka't bukod-tangi
Di marami ang di-magsasabing
Heto na't inyong dinggin
Chorus:
Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin, sariling atin
At sa habang buhay awitin natin.
Magmula no'ng ako'y natutong umawit
Nagkabuhay muli ang aking paligid
Ngayong batid ko na ang umibig
Sa sariling tugtugtin o himig
Sa isang makata'y maririnig
Mga titik, nagsasabing:
(Repeat Chorus 2x)
Kay ganda ng ating musika!
No comments:
Post a Comment