Napakasayang balikan ang lugar kung saan ka nagsimula. Kung saan ka nabuo, kung ano ka ngayon at ano ang mga bagay na kaya mong gawin. Nakakataba ng puso na makita ang mga taong naging bahagi ng iyong pag-unlad bilang isang tao. Yung mga taong sumalo sa iyo habang nahuhulog sa bangin ng kawalang pag-asa.
Maraming bagay na nagbago. May mga bagong gusaling naitayo. Mga bagong daan na nabuo. May pagbabago. Sa kabuuan, may pag-unlad.
Ngunit hindi lahat ng tao ay napabilang sa umunlad. Makikita pa rin ang pamilya na umaasa sa mga pisong barya na ihahagis sa tubig ng mga pasahero ng barko upang maipamatid gutom sa kumakalam na sikmura. Marami pa ring bata ang hindi pumapasok sa halip, sa kanilang murang edad ay nagtatrabaho na upang makatulong sa pang araw-araw na gastos ng pamilya.
Sana sa pag-unlad kasama ang lahat. Walang maiiwan at mananatili sa kanilang miserableng kondisyon. Sana di lang siya, di lang ikaw. Sana tayong lahat...
No comments:
Post a Comment