Imbakan ng kung anu-ano. Tambayan kapag nababato | A collection of everything about everything
Monday, April 25, 2011
I'm Going Back Home (Day 1)
"Ang sarap balikan ng lahat ng naging bahagi kung ano ka ngayon."
April 15, 2011. Umaga pa lang excited na akong ihanda ang mga gamit na dadalhin ko pauwi sa probinsya. After almost one year of not seeing my hometown, at last babalik na ako. (Konteng damit lang naman dadalhin ko. Two days lang naman ako dun eh. Graduation kasi ng bunso namin. Sa wakas nagbunga din ang paghihirap namin.) 8:30 ng umaga, tapos ko nang ihanda ang aking mga dadalhin. Naghanda na rin ako upang maligo. Opening ang shift ko ngayong week. Nagpasya na din akong mag-undertime upang maaga akong makarating sa pier ng Lucena. 10:00 a.m..........Tagal ng oras....11:00 a.m. ......Trabaho....trabaho...sa wakas 5:00 p.m.
Dali-dali akong nag-out at nagpalit ng damit. Matapos kong maibilin sa mga kasama ang mga dapat gawin mabilis din akong umalis. Sumakay ako ng jeep mula Lipa patungong Sto. Tomas upang doon mag-abang ng masasakyang bus patungong Lucena. Grabe naman talaga ang traffic oo. Isang oras at kalahati bago ko narating ang Sto. Tomas. Puno lahat ng mga bus na dumaraan. Ilang bus na din ang dumaan pero ganun lahat ng senaryo. Mga nakatayo na ang ilang pasahero. It seems that I don't have any choice so I decided to ride the next bus that will pass.
So, iyon nga ang nangyari, nakasakay nga ako pero nakatayo nga lang din. Ok na yun kesa naman maiwan ako ng barko. Mabuti na lang at may bumaba din na pasahero malapit sa akin. Swerte pa rin ako. Nakaupo din. Medyo relax na ng konte sa byahe. Nakikita ko pa ang tanawin sa labas kasi maliwanag pa naman. Marami na rin nagbago. Ipinikit ko ang aking mga mata upang saglit na makapagpahinga. Mahaba-haba pa naman ang byahe.
Nagising ako, nasa Lucena Grand Central Terminal na ang bus na sinsakyan ko. 9:00 p.m. na pala. Ilang minuto na lang malapit na kami sa pier. Eksaktong 9:30 p.m. ng marating ko ang pier. Marami ng pasaherong naghihintay ng sa passenger's area. Kumuha kaagad ako ng ticket at nag-antay ng boarding time sa passenger's area. 10:00 p.m. ng magsalita ang staff ng port na pwede ng magboard ang mga pasahero. May karamihan din ang pasahero kung kaya binilisan ko ang paglakad upang may maabutan pa akong upuan. Mahirap na ang walang pwesto. Umakyat ako sa ikalwang palapag ng barko, at swerte ko naman kasi may isang upuan pang bakante. Nagmadali akong umupo upang makapagpahinga. Binuksan ko ang cellphone ko upang i-check. isang text mula sa kapatid ko ang aking nabasa. Tinatanong ako kung nasaan na daw ako. Agad akong nagreply na nakasakay na ako ng barko. Mayamaya tumawag naman ang isang kaibigan ko nangungumusta. Pagkatapos noon, nagpasya akong matulog.
1:00 a.m. ng magising ako malapit na ako sa amin. After a few minutes, ayun nga at dumaong na rin sa pantalan nag barko. Dali-dali akong bumaba ng barko at nakita ko ang bunso kong kapatid na naghihintay sa akin. Si tatay naman ang nasa motor pandagat at doon naghihintay. Ilang sandali lang at nasa bahay na kami. Medyo nanibago ako at kinakapos ng hininga pag-akyat sa bundok.
Bonding time hanggang 3:00n ng umaga. Kwentuhan ng mga pangyayari sa buhay. Nanood ng movie...bago nagpasyang matulog....
Bukas na lang muli......
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment