Facebook

Wednesday, March 30, 2011

Pagkakamali Mo, Hindi ng Iba

Bakit kaya may mga taong hindi matanggap ang kanyang pagkakamali. Yun bang pilit hahanap nang ibang taong masisi upang mapagtakpan ang kanyang pagkakamali. At pagkatapos nun ay parang isang normal na bagay lang ang kanyang ginawa. At may lakas pa ng loob na humarap sayo at makipag-usap na parang walang nangyari. May konsensya pa ba siya? May guilt pa ba siyang nararamdaman?

Nakakalungkot isipin na sayo mapupunta ang lahat ng sisi gayong alam mo na hindi mo rin naman ginusto ang mga nangyayari. Na lahat kayo ay may kanya-kanyang pananagutan sa mga pangyayari. Ngunit ano ang ginawa niya, kaagad na naghugas ng kamay upang maprotektahan ang kanyang sariling interes. Sukdulang ipagkanulo ang mga kasama upang sa mata ng nakararami siya ang hero, siya ang bida,  malinis ang intensiyon at walang pagkakasala.

Yun ang akala niya. Pero ang di niya alam para sa tunay na nakakaalam, isa siyang ahas na makahanap lang ng pagkakataon ay agad kang sasakmalin. Sa mata ng tunay na nakakakilala sayo, alam nila ang iyong kapasidad na gumawa ng mga bagay at mapapagtanto nila ang totoong pangyayari. Hindi naman ikaw ang masisira. Lalabas din ang totoo sa tamang panahon.

Sabagay, pana-panahon lang yan. Ngayon masaya siya, bukas makakangiti pa kaya siya.. Mabilis na ngayon ang karma. Express kung baga. Kaya ikaw...magbago ka na... Ikaw din baka huli na.....

No comments:

Post a Comment