Facebook

Wednesday, January 26, 2011

Hanggang Saan Para sa Pag-ibig? (inspired by the books of Bob Ong)-An Early Valentines Special

Nagising ako na masakit ang katawan... Hindi ko alam kung dahil ba ito sa panahon o sa isang pangyayaring.... haaaaa.   ewan Haizzzzt...
 
Lamig ng simoy ng hangin parang pasko lang ah. Hehe. Kaya ayan tuloy may sipon may ubo. Sinabayan pa ng dalaw ng bestfriend kong tonsilitis. Matagal-tagal na din siyang hindi dumadalaw, namiss siguro ako. Pero ako din nman namiss ko din siya. Kaya nga sinalubong ko agad siya ng partner kong si amoxicillin , ayon at nagmamadaling umalis. may pupuntahan pa ata. Hahaha. 
 
Pero itong si ubo at sipon, matigas ang ulo, ayaw umalis. Sinubukan ang payo ni John Lloyd, ayan medyo nanahimik naman. Sadyang tinatamad akong pumasok kaya napagpasyahan kong mag-undertime na lang.
 
Isa pa, sinisigawan na rin ako ng mga marurumi kong damit na labhan ko na daw sila. So,I have no other option. Wala na rin kasi akong isusuot na uniform. Kaya kahit masaya ang pakiramdam pinilit maglaba. Hindi ko nga lang alam kung malinis nga bang lahat yun. Hahaha. Sayang din kasi ang ibabayad sa laundry shop, isang C3 na yun sa jollibee. Haha

Tapos eto, sumilip sa facebook, siyempre laro ng City Ville, sayang ang unlimited plan sa SUN kung hindi gagamitin. At habang naghihintay ng energy para mkapaglaro ulit, naisipan kong bisitahin ang Billy's Corner. Matagal ko na pala di na-update ang blog ko. Two weeks na ata. Haha. Kaya ayon naisipan kong ipost dito yung nasa profile ko sa MOKO.Mobi(isang Social Networking sa mobile phone). And it goes like this.....

------------------------

Bakit ka pa susugal sa isang bagay kung sa simula pa lang, alam mong dehado ka na? Tama bang kumapit sa pag-asang sa bawat laro ay laging may JACKPOT? Handi naman karuwagan ang pagsuko kung alam mong wala ka ng pag-asang manalo.
 
Sabi nga ni Bob Ong, "Sana ang pag-ibig katulad lang ng isang pampasaherong jeep, kapag nagbigay ka ng buo may sukli pa rin kahit papaano."(
May point,...isa nga pala siya sa mga paborito  kong author lalo na yung mga ideas niya sa mga aklat niya na "ABNKKBSNPLAKO" at "Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino". Kumpleto ako ng libro nya hanggang "Kapitan Sino". Haha. Adik di ba?)


Sabi ko naman, kung maihahalintulad man ang pag-ibig sa isang jeep, at kung ang pag-ibig nga talaga ay isang jeep, gusto ko na ako lang ang pasahero nito, yun bang tipong arkilado. Magbayad man ako ng buo, at sukli man ay hindi kumpleto. Masaya naman ako. Safe pa ang puso ko.

Sumakay na lang kayo, kapag bumaba na ko. Hahaha.

Tama naman di ba? Arkilado ko na to ah.... Bakit sasakay ka pa.
Hindi sa lahat ng pagkakaton pwede ang "the more,the merrier" oh kahit pa "the most, the merriest" haha.
 
Hindi naman kaylangan ng maraming tao para bumuo ng mundo eh. Minsan kahit isa lang ang kasama mo, buo na ang mundong kayalangan mo.-Bob Ong ulit. haha

Magkaganun pa man, ano man ang dahilan natin kung bakit tayo nagmamahal, o kung sino man ang taong ating mamahalin, magtira tayo para sa ating sarili. Ipakita natin na mahal natin ang ating sarili upang mahalin din tayo ng mga taong mahal natin. Malabo ba? Haha. Kaya ninyo yan..
 
Happy Valentines Day!!! (ang aga ah)

Tuesday, January 11, 2011

Pag-ibig na Imortal

"Maniniwala na lang ba talaga tayo sa propesiya. ...............Paniwalaan nila ang lahat gusto nilang paniwalaan. Basta tayo, alam natin kung ano tayo, na mahal natin ang isa't isa...... kahit na ang kapalaran....di natin kaylangang sundin yung gusto niya. "Qouted from ABS-CBN's Imortal.





Love endures everything...pero hanggang saan...hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa iyong minamahal. Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pag-iibig na pinaniniwalaan mo. Handa ka bang talikuran ang lahat...handa ka bang talikuran ang iyong mundo para sa kanya. Sigurado ka ba na sapat na siya upang maging mundo  na kaylangan mo. Sapat na ba ang nadaramang pag-ibig upang harapin ang mapanghusgang lipunan at patunayang kayo ang gumagawa ng kapalaran nyu.






well...... goodluck





Saturday, January 8, 2011

I'll be there (for you) by Martin Nievera

Minsan ba sa buhay mo ay naranasan mong pahalagahan ka ng isang tao ng sobra-sobra. Yun bang tipong halos pati buhay nya ay ibigay n'ya sayo. Laging nasa tabi mo through thick and thin. Yung sisiguraduhing you'll be the best that you can be everyday. I think this song fits for you.


 

I'll be there (for you)
Martin Nievera

When you wake up each mornin' 
and you feel like callin' 
I'll be there for you 
When the road seems uncertain 
And you can't stop the hurtin' 
I'll be there for you 
When there's no one beside you 
I'll be there to guide you 
Catch you each time you fall 
When the stars won't shine anymore 
I'll be there.... 


When the world is unkind 
And your dreams they need more time 
I'll be there for you 
If the rules they keep breakin' 
And the future is fadin' 
I'll be there for you 
The rainbow will end in the palm of your hand 
Don't ever let it go 


When the stars won't shine anymore 
I'll be there.... 


Who knows where we'll go 
What will tomorrow bring 
When we have each other 
Just hold on tight 
We can touch the skies and fly...... 


I'll be there for you.... 


The rainbow will end in the palm of your hand 
Don't ever let it go 
When the stars won't shine anymore 
I'll be there.... 


I'll be there....

Friday, January 7, 2011

Mapaglarong Tadhana - An Overview

Ito ang kaunaunahan kong akda sa aking blogsite at masasabing ko ring first literary piece in a novellete category. Noong nasa high school at college pa kasi ako may mga tula at maikling kwento na akong naisulat. Nakasulat na din ako ng piece for a short play noong high school which at the same time ako na rin ang nag-direk. . . At ngayon, after long years, susubukan ko ulit sumulat. Pagpasensiyahan na ninyo ang pagkapayak ng kwento at mga typographical error na makikita ninyo.


Ang kwentong ito ay hango sa tunay na buhay. Isang kwento ng pakikibaka sa buhay sa kabila ng mabibigat na pagsubok na kaakibat nito. Ito ay kwento ni Anna (hindi tunay na pangalan), ang kanyang pakikipagsapalaran, ang kanyang pagkadapa, at muling pagbangon. 


Sana'y magustuhan ninyo ito at kahit papaano ay kapulutan ng aral. 


Maraming salamat!


Billy  

Wednesday, January 5, 2011

Afraid for Love to fade

One of the finest songs of Jose Marie Chan. Hope you like it guys




Afraid for love to fade


my head's in a jam cant take you off my mind
from the time we met i've been beset by thoughts of you
and the more that i ignore this feeling 
the more i find my self believin'
that i just have to see you again

i can't let you pass me by 
i just can't let you go 

but i know that im much too shy to let you know
afraid that i might say the wrong
word and displease you
afraid for love to fade 
before it can come true

like a child again
im out and lost for words
how does one define a crush combine with longing
longing to posses  you oh so dearly
and im obsess by you completely
ill go mad if i cant have you




i can't let you pass me by 
i just can't let you go 
but i know that im much too shy to let you know
afraid that i might say the wrong
word and displease you
afraid for love to fade 
before it can come true

i cant let you pass me by
i just cant let you go 

let me say the things and the words to let you know
i would rather say the awkward words than to loose you 
afraid for love to fade 
before it can come true

afraid for love to fade 
before it can come true... 

Tuesday, January 4, 2011

Mapaglarong Tadhana 1

by: Billy Lantita


Ang kwentong inyong mababasa ay hango mula sa tunay na buhay. Ang mga pangalan ng mga taong sangkot ay sadyang binago para sa kanilang kapakanan. 




Isang araw buwan ng Marso, isang text ang natanggap ni Anna mula sa kumpanyang kanyang inaaplyan. Mula kasi ng matapos ang kanyang kontrata sa dating kumpanyang kanyang pinagtatrabahuhan ay hindi na siya umaasa na makakabalik siya dito. Isa pa, sadyang ayaw na rin niyang bumalik pa dito. Bukod  kasi sa hindi na maayos ang sahod, hindi rin maganda ang pamamalakad sa kumpanyang ito. Kung kaya nagbakasakali siyang mag-apply sa ibang kumpanya. At sa awa naman ng Diyos, heto pinagrereport na siya sa opisina ng kumapanya upang malaman kung saang branch siya madedestino at upang makuha na din ang kanyang ID at uniporme. 


Pagkatapos mabasa ang text agad siyang naghanda para sa bagong trabaho. Medyo magkahalong kaba at excitement ang kanyang nararamdam ng mga oras na yun.


"Oh anak, mukhang may lakad ka ngayon ah.Saan ka ba pupunta at mukhang gayak na gayak ka", wika ng kanyang ina. 


"Ah Nay pinagrereport po kasi ako ngayon ng kumpanyang pinag-aplayan ko. may trabaho na po ulit ako. Baka naman po may pera kayo diyan. Wala na po kasi akong pera ngayon.Kung maglalakad kasi ako baka, abutin ako ng isang linggo bago makarating dun." Pabirong sagot niya sa kanyang ina. 


Natawa ang kanyang ina sa kanyang tinuran. 


"Ikaw talagang bata ka. Oh heto, mag-ingat ka ha." Sabay abot ng pera sa kanya. 


"Opo Nay. Salamat ha. Babayaran din po kita ng bonggang-bongga kapag may suweldo na ko", sabay yakap sa ina at nagpaalam.


Habang nag-aabang ng masasakyan hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Sa wakas makakatulong na ulit siya sa kanyang mga magulang. Bunso si Anna sa pitong magkakapatid. May asawa na ang kanilang panganay, at ang dalawa pa niyang kapatid. Ngunit hindi maiwasang humingi pa rin sa kanila ng tulong ang mga ito lalo na kung nagigipit. Hindi pa tapos ang kanilang bahay kaya kaylangan talaga niyang kumita ng pera ngayon. 


Biglang naputol siya sa kanyang pag-iisip ng mapansin niya ang isang paparating na jeep. Pinara niya ito at agad din sumakay. 


"Manong bayad po, Araneta Ave. lang po". 


Medyo maluwag ang kalsada ng mga sandaling iyon kaya naging mabilis ang kanyang biyahe. Pagkababa niya ng jeep agad siyang sumakay ng tricycle upang marating ang opisina. Pagdating niya doon sinabi niya na pinagrereport siya ngayong araw na ito. Pinaupo muna siya ng isang babae. Maganda ito at mukha namang mabait.


"Sandali lang hija ha, ihahanda ko lang yung contract mo. Ano nga palang pangalan mo? Marami kasi kayong magrereport ngayon. Ikaw pa lang ang dumarating", pagpapatuloy ng babae.


"Anna po ma'am". "Anna Marie Hernandez po".


Hinanap ng babae ang pangalan niya sa files at nagsimulang ihanda ang contract ng makita ang pangalan niya dito. Matapos ito ay iniaabot sa kanya ang kontrata. 


"Hija, ito ang kontrata, basahin mong mabuti at pirmahan mo na din", paliwag ng babae.


Tulad ng sinabi ng babae, binasa niya ito at nilagdaan. Limang buwan ang kanyang kontrata at depende sa magiging performance niya kung muli pa siya iha-hire ng kumapanya. Pagbubutihin niya ang kanyang trabaho upang mahire muli at magkaroon ng chance na maregular ang naisip niya. Nakasaad din dito ang kanyang suweldo. Hindi ito minimum ngunit mas malaki keysa sa una niyang trabaho. At ayon sa babae, may mga incentives pa rin siyang makukuha, kung pagasasamahin mo, malaki din naman. Mapapaayos na nila ang kanilang bahay. Makakatulong na din siya sa kanyang mga kapatid at mga pamangkin. 


"Anna sa probinsya ka nga pala muna namin i-aasign ngayon. Kaylangan kasi ng dagdag na tao dun para sa paparating na peak season. Huwag kang mag-alala mababait naman mga staff dun. Sila na ang bahala sa pansamantala mong tutuluyan dun. Mura lang ang renta at magkakasama din kayo kaya hindi ka matatakot. Na-inform na rin namin ang branch natin doon na magrereport ka na bukas. May bakante pa naman daw sa boarding house nila kaya doon ka na lang para magkakasama kayo", mahabang paliwag ng bababe.


Medyo nagulat siya sa sinabi ng babae. Sa simula pa lang sinabihan na sila kung handa ba silang maasign sa pobrinsya. Pumayag naman sila kasi kaylangan ng trabaho. Pero umasa pa din siya na hindi siya maaasign dito, na dito lang sa manila para kasama pa rin niya ang kanyang mga magulang. Ngunit heto na nga, sa pronbinsya siya maaasign. Nagdalawang isip kung tatanggapin niya ang trabaho. Ngunit sa huli pumayag na din siya. Kaylangan talaga niya ng trabaho.


"Ano Anna, ok lang ba sayo?"


"Opo ma'am".


"O sige, mabuti. Eto ang ID mo. bumili ka na lang ng uniform doon sa kabilang kwarto", at sinabi sa kanya kung saang probinsya siya madedestino.


Hindi naman kalayuan ang lugar na ito sa Maynila. Mga 3-4 na oras lang mula sa Maynila. Masaya siya habang papauwi ng bahay. Kahit pa sa malalayo siya sa pamilya, may trabaho naman siya. Makakatulong na siya sa pagpapagawa ng kanilang bahay. Pagkatapos kasi ng sunog sa kanilang lugar, hanggang ngayon hindi pa rin tapos ang kanilang bahay. Hindi mawaglit sa isip niya ang magiging buhay sa bago niyang trabaho.


Ah, bahala na.




Itutuloy


Monday, January 3, 2011

Miss You Like Crazy

I've recently listened to this version of Erik Santos and I am starting to like this song. hope you too. 






Miss You Like Crazy


Even though it’s been so long
my love for you keeps going strong
i remember the things that we used to do
a kiss in the rain till the sun shines through
i tried to deny it, but im still in love with you

i miss you like crazy, i miss you like crazy
ever since you went away, every hour of everyday
i miss you like crazy, i miss you like crazy
no matter what i say or do
there’s just no getting over you




i can see the love shinning in your eyes
and it comes in such a sweet surprise
if seeing is believing, it’s worth the wait
so hold on and tell me it’s not too late
we’re so good together
we’re starting forever now.
and i miss you like crazy, i miss you like crazy
ever since you went away, every hour of everyday
i miss you like crazy, i miss you like crazy
no matter what i say or do
there’s just no getting over you
just one night
and we’ll have the magic feeling like we used to do
hold on tight
and whatever comes our way we’re gonna make it through
if seeing is believing, it’s worth the wait
so hold me and tell me it’s not too late
we’re so good together
we’re starting forever now.
and i miss you like crazy, i miss you like crazy
ever since you went away, every hour of everyday
i miss you like crazy, i miss you like crazy
no matter what i say or do
there’s just no getting over you
and i miss you, baby
i miss you like crazy
no matter what i say or do
there’s just no getting over you
i miss you like crazy
i miss you like crazy baby

Champion of the Children...Giving, Sharing


In every single day of our lives, we do a lot of hard works in order for us to be worhtwhile. We try to enjoy every single moment and make the most of it. Despite the fact that we are bothered by different problems, our problems and of others who are close to our heart, we stand to fight what we believe is right and do what we think is benificial not only for ourself but also to others.

I still remember when I was in SM San Lazaro as head of our branch there. One day, I thought it was just an ordinary day for me. Same things to do, same people to be with. Then suddenly a young lady approached me at the counter of our store. As a rule, I greeted her loud and clear and with warmth (customer service is one of the important things on us). She smiled at me and ask me if she can have a spare of my time. Since, there not a lot of things to do, I smiled at her and say, "yes ma'am you can."

The girl asks me, "Sir gusto po ba ninyo maging angel?". I didn't answer because I really don't have idea on what she is saying. At the back of my mind, I ask myself, "Ano to, nangtitrip? Eh, mas madalas pa nga ako mag online keysa magsimba.( But I pray naman). Lakas ng trip mo te ah. The girl starts on explaining what she's got when she noticed that I was hesitant to answer. She said that she is from UNICEF, and that they are looking for angels to be "Champion of the Children".

I said to myself, ah yun pala sinasabi nito na angel daw. Wish ko lang. . . Hahaha. The process goes like this. To be a donor, you should have a credit card (of course yung hindi expired. Hehe). A certain amount will be automatically charged on your card every month. The amount is not that big and I think I can afford it every month so I decided be one of the donors. I really have a soft heart for the children and I believed everybody has. And I think this is another way of giving thanks to the Lord for all the blessings that He showered on me.

Up to now I am still a donor of UNICEF and once in a while, a thank you card, a token of appreciation is being sent to me from the children of UNICEF.

Nakakalungkot ang kanilang mga kwento na sa murang edad ay danasin ang hirap at pasakit ng mundo. Nakakataba ng pusong malaman mula sa kanila ang pasasalamat na sa konteng halagang iyong ibinigay, ay nabago ang takbo ng kanilang buhay. Muli silang umasa na darating ang panahon, maabot din nila ang kanilang mga pangarap. Muling sisikat ang araw ika nga.

Nasabi ko sa aking sarili, masuwerte pa rin ako. Kahit lumaki akong mahirap (at hanggang ngaun ay mahirap) hindi ko dinanas ang mga kwento ng mga batang ito.

We all have our own battle to fight. Win or lose, let us keep on touching the life of others... Learn to share... Learn to Give... Learn to Love... when you have opportunity to do so. We are brothers after all.

----------

Kung may pagkakataon tumulong po tayo. You can search for the site of Unicef in the Philippines.


Ito po pala yung site.

www.unicef.org/philippines

Saturday, January 1, 2011

Subok Lang

by: Billy Lantita


Habang nag-eexplore ako sa bawat sulok ng web, hindi sinasadyang napasok ko ang isang blogsite na nakapukaw ng aking interest.(nakapukaw? lalim nun ah... hehehe). Hanggang ngayon follower ako ng blogsite na to, at ngayon dalawa na silang blogsite na sinusundan ko. Masaya ang mga blogsite na ito (pero di ko pwedeng sabihin kung ano..haha damot) kung kaya naisipan ko na gumawa din ng sarili kong blogsite. Wala akong idea kung ano ang magiging theme ng blog ko pero sumubok pa rin ako gumawa. Wala lang, trip ko bakit ba? Hahaha ang sungit. Siguro after the long run, makakapagconceptualize din ako ng maganda at tamang theme para sa blogsite ko. 


Ang hirap pala kapag matagal kang hindi nakapagsulat. Para atang kinakalawang na ang aking imahinasyon. Kahit ang speliing ko marami na ring mali, marahil, dahil siguro sa text messages kung kaya pati mga spelling ko parang pang limang taong gulang na bata. Kaya kaylangan ko pang ireview ng mabuti ang post ko. Nakakahiya naman sa mga maaaring makabasa nito.


Sa kabila noon, heto sumubok pa din wala naman masama eh. Sana nga lang tumagal. Hahaha. Sa totoo lang ginagawa ko ang blog na ito habang umiinom kami ng mga kawork mate ko. Pagbigyan nyu na  New year naman eh. Di ko nga alam kung tama pa ang mga spelling ko eh.


Mga katropa, kaibigan, kainuman, kafacebook, kablog, follow me please. I need your help guys. Support naman please..... hahaha nagmakaawa. Kawawa naman.


Pwede din kau mag-contribute ng kahit ano. Your feelings, your desire(for me...hahaha), your imagination, your dream, anything guys. I'm counting on you guys. Godbless you all.:-)