Imbakan ng kung anu-ano. Tambayan kapag nababato | A collection of everything about everything
Tuesday, February 14, 2012
PBB Unlimited: The Great Marinduque Adventure
(Let me speak on my native tongue guys)...
Kamakailan lamang ay naitampok mandin ang lalawigang aking kinalakihan sa isang sikat na programa ngayon sa telebisyon, ang Pinoy Big Brother Unlimited Edtion (Season 4). Isang kababayan ko ngani (Joseph Biggel o mas kilala sa tawag nga BIGGEL) ang mapalad na nakapasok sa loob ng bahay ni kuya upang ipakita ang kanyang totoong pagkatao at maipakilala na rin ang lalawigan kanyang minahal.
Nakakatuwa baya naman na kung a-isipin mo ay ngay-un lamang nabigyan ng pagkakataon na makilala ang aming munting lalawigan hindi laang sa Pilipinas gan-un na rin sa buong mundo. Nagasimula ng makilala ang aming munting lalawigan at alam ko na ito ay magatuloy-tuloy na. Kasabay mandin ng pagkilala ng mundo kay Biggel ay ang pagkilala din sa ganda ng Marinduque.
Hindi baga't ito'y magandang pagkakataon upang makilala ang lahing Marinduqueno.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment