Tagal ng last chapter na to. Sorry, I was just preoccupied with so many things. Anyway, eto na ang last part ng pag-uwi ko sa aking lupang sinilangan.
---------------------------------------------------------------
Kinabukasan maaga silang naghanda para sa thanksgiving ng aking kapatid. Pero tulog pa din ako.
Sarap talaga ng buhay sa probinsya. Nagpatay sila ng isang maliit na baboy. May kalamay ( pritong saging na may harina), tinapang isda na bagong huli at marami pang iba. pero syempre, hindi mawawala ang native drink na tuba. Masarap naman ito at matagal ko na rin itong hindi natitikman. Unti-unti ng nagsisidatingan ang aming mga kamag-anak kaya nagdeside na akong maligo.
Mga 11:00 ng tanghali ng mag-umpisa ang konteng salo-salo. Isang masayang araw, buo ang pamilya(maliban sa isang ko kapatid na di nakauwi dahil sa trabaho). Napakasaya ko.
Nagdecide pala silang tubungan(putungan) ang aking kapatid bilang pasasalamt at panalangin na din para sa bagong yugto ng buhay. (Ito ay isang tradisyon sa Marinduque na nagpapakita ng kabutihan ng mga pilipino sa pagtanggap ng bisita, at bilang pasasalamat na rin sa mga biyayang natanggap mula sa Diyos.)
Dumating na din ang mga classmate ng kaptid ko. At nagsimula na rin ang tubong. Magagaling talaga umawit ang mga tiyo at tiya ko. Mistulang isang choir sila kung pakikinggan. Isa ito sa mga bagay na namimiss ko. At siyempreung mga kasamang barya na pupulutan habang nagtutubong.
Dumaan ang masayang maghapon.
Bukas byahe na naman pabalik ng trabaho.....
goodluck naman sa akin..
No comments:
Post a Comment