Facebook

Sunday, May 8, 2011

I'm Going Back Home (Day 2)

Nagpasya kaming muling matulog ng 3:00 ng umaga. May ilang oras pa rin upang makapagpahinga bago kami lumuwas ng bayan para sa graduation ng aking kapatid. ( Nasa bundok kasi ang bahay namin. Hehehe.)



April 16, 2011, 8:00 ng umaga, nagising ako na mataas na ang sikat ng araw. Kahit inaantok pa, nagpasya na rin akong bumangon upang makalanghap ng sariwang hangin. Ibang-iba ang hangin sa nayon, presko, masararap langhapin. Hindi tulad sa siyudad puro pulosyon.

Medyo kumakalam na rin pala ang sikmura ko. Kumain naman ako bago matulog pero eto nagugutom na naman . 10:00 pa naman ng umaga ang luwas namin ng bayan sabi ng nanay ko. Naghanda ako ng makakain. Maaga daw namili si nanay ng mga sangkap sa paglulto. Tinapang isda ang naisipan kong kainin. Masarap kasi sariwang isda at kakatapos pa lang lutuin. Nahuli ito ng ng  mga pinsan at tiyo ko. Bigay nila sa kapatid ko bilang regalo at ganun na din asa akin. Hahaha. Ganado ako sa pagkain. Nakalimang piraso siguro ako. Ngayon lang kasi ulit ako nakakain ng ganong isda. Nasanay ako sa galunggong na masarap din naman. Pero iba pa rin ang lasa ng mga ganong uri ng isda. Masarap talaga.

Pagkatapos kumain, nagpahinga ako ng konte at nag-abang sa mga pinsan kong mapapadaan. Pero mukhang nalate ata ako ng gising. Malamang nasa kanya-kanya ng gawain ang mga yun.  Matapos ang ilang saglit, nagapasya akong maligo sa balon kasama ang aking kapatid. (Balon ang kadalasang source ng tubig sa aming lugar). May banyo naman kami pero mas pinili ko maligo sa balon. Nakakamiss kasi maligo ng naka-boxer o brief lang. Haha. Walang namang ibang tao eh. Ganito kasi ang kinalakihan ko kaya nakakamiss talaga. Salitan kami sa pagsalok ng aking kapatid ng tubig mula sa balon. pero dahil sa magulang ako minsan. dinadaya ko siya. Namiss ko din kasi bunso namin kaya parang way na rin yun ng paglalambing ko sa kanya.

Matapos maligo, nagahanda na kami ng mga dadalhin sa pagluwas sa bayan. Dumating na rin pala si nanay. Dadaan daw muna kami sa tiyo namin at doon muna maghihintay bago mag-mass sa cathedral. Eksaktong 10:00 ng umalis kami sa aming bahay. May kainitan na ang araw. Pero ok lang masarap naman ang simoy ng hangin. Sumakay kami sa aming bangkang de motor upang makatawid sa kabilang barangay. Mula doon sumakay kami sa tricycle patungo sa bayan. Sa bahay ng isang malapit na kamag-anak muna kami tumuloy bago pumunta nga simbahan para sa misa sa mga magsisipagtapos.

12:00 ng tanghali ng nagpasya kaming umalis patungo sa simbahan ng Boac. Doon kasi gaganapin ang misa. Ilang minuto na lang magsisimula na ang misa ng kami ay dumating. Hindi rin nagtagal, nagsimula na ang misa.
Pagkakataon ko na din para magsimba. Inabot ng sobrang isang oras ang misa. . Hehe.

Matapos ang misa nagpasya akong magtake ng mga pictures ng simbahan. Nakakatuwang tingnan na na-preserve ang mga materyales na gamit dito. Ngunit may ibang part na nare-model na pero bakas pa rin ang ganda ng pagkakagawa dito.

Ilang sanadali lang bumiyahe na rin kami papunta sa school para naman sa graduation. Pagkarating namin sa school, ilang sandali lang nagsimula na rin ang graduation march... as  usual masaya lahat. Marami ang nagbago after 6 years ng lisanin ko ang aking Alma Mater.  May mga bagong building, mga bagong structure. MSC has changed a lot. And I'm so glad of it.

Mahaba ang graduation ceremony. Mga 8:00 na ng gabi ng ito ay matapos. Nakakapagod. Pero masaya.

Byahe pabalik ng bundok....

Hahaha

(next_last part)

No comments:

Post a Comment