Facebook

Wednesday, March 30, 2011

Pagkakamali Mo, Hindi ng Iba

Bakit kaya may mga taong hindi matanggap ang kanyang pagkakamali. Yun bang pilit hahanap nang ibang taong masisi upang mapagtakpan ang kanyang pagkakamali. At pagkatapos nun ay parang isang normal na bagay lang ang kanyang ginawa. At may lakas pa ng loob na humarap sayo at makipag-usap na parang walang nangyari. May konsensya pa ba siya? May guilt pa ba siyang nararamdaman?

Nakakalungkot isipin na sayo mapupunta ang lahat ng sisi gayong alam mo na hindi mo rin naman ginusto ang mga nangyayari. Na lahat kayo ay may kanya-kanyang pananagutan sa mga pangyayari. Ngunit ano ang ginawa niya, kaagad na naghugas ng kamay upang maprotektahan ang kanyang sariling interes. Sukdulang ipagkanulo ang mga kasama upang sa mata ng nakararami siya ang hero, siya ang bida,  malinis ang intensiyon at walang pagkakasala.

Yun ang akala niya. Pero ang di niya alam para sa tunay na nakakaalam, isa siyang ahas na makahanap lang ng pagkakataon ay agad kang sasakmalin. Sa mata ng tunay na nakakakilala sayo, alam nila ang iyong kapasidad na gumawa ng mga bagay at mapapagtanto nila ang totoong pangyayari. Hindi naman ikaw ang masisira. Lalabas din ang totoo sa tamang panahon.

Sabagay, pana-panahon lang yan. Ngayon masaya siya, bukas makakangiti pa kaya siya.. Mabilis na ngayon ang karma. Express kung baga. Kaya ikaw...magbago ka na... Ikaw din baka huli na.....

Saturday, March 26, 2011

He is Fair in all Fairness

"You'll never know the bests of life, unless you feel the worsts of it."
                                                                                -billy

Sometimes we wonder why we suffer such kind of misery. Bakit tayo, bakit hindi sila. World is so unfair. Habang sila ay nagsasaya, ako heto pasan ang lahat ng problema sa mundo.

Pero naisip ba natin ni minsan kung ano ang dahilan kung bakit sila masaya? Marahil napagdaanan na nila ang pagiging malungkot. Hindi mo kasi malalaman na masaya ka pala kung hindi mo naranasan maging malungkot.

Lahat tayo dumadaan sa ganong stage. It depends on us how are we going to deal it. Its just a matter of choice. After all life, has a lot of good things to offer.

Celebrating Life to the fullest

In every single day of our lives, we do a lot of hard works in order to make our life worthwhile. We try to enjoy every single moment and make the most of it. We try to be the best that we can. Despite of the fact that we are bothered by different problems,within ourselves and with of the others, we are still standing to fight for what we believe is right and what is benificial not only to us but to our brothers. Win or lose, let us keep on touching the lie of others. After all, life is worth living for.


(This post has been copied from my fs account which I created barely 4 years ago. I just want to share it with you. Nakakatawa yung sentence construction ko. Adik. Haha.)

Friday, March 25, 2011

Mahal Kita Ngunit Paalam

"Hindi dahil sa iniwan ka ng taong mahal mo ay hindi ka mahalaga sa kanya. Ayaw ka lang niyang makitang laging nasasaktan habang kayo ay magkasama."

                                                                                      -billy


May mga bagay kasi na kahit anong pilit natin na manatiling atin ay sadyang hindi pwedeng maging atin. May mga pagkakataong akala natin tama na kayo ay magkasama pero ang totoo pala mas magiging maayos pala ang lahat kung iiwan ang isa't isa. Gaano man kasakit, gaano man kalungkot dapat matutunan natin itong tanggapin. Mahirap, oo, pero kayang hilumin ng panahon ang sugat na dulot nito. Kasabay nito, darating ang taong sadyang nakalaan para sayo.

Tuesday, March 15, 2011

Buwan ng Kwuresma

Pumasok na pala ang buwan ng kwuresma. Nagulat na lang ako pagpasok ko sa aking trabaho, may mga krus na itim sa noo ang mga tao tanda ng nagsimula na ang isa sa pinakaimportanteng panahon para sa mga katoliko. Panahon ng pagninilay-nilay sa nagdaang isang taon. Tamang panahon ng pagsusulit sa ating sarili kung makakapasa na ba tayo at makakapasok sa kanyang kahiraan.

At nitong nakaraang Friday, isang malakas na lindol ang gumimbal sa Japan, kasunod ang isang dambuhalang tsunami. Maraming buhay ang nasawi, marami ang natakot at hanggang ngaun patuloy pa ring dumarami ang natatagpuang patay.

Marami tuloy ang nag-iisip, nalalapit ang ba nag kanyang paghuhusga sa sangkatauhan?

Wala namang nakakaalam kahit isa man sa atin kung kelan ito darating..

Ang sigurado lang isa itong paalala na sa kabila ng mga karangyaan at kasikatan. May mas mataas at mas makapangyarihan pa rin sa atin.

At sa huli....tanging SIYA lang ang huhusga..,