SA mga credit card holder, narito ang ilang pamantayan at tamang proseso mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas. Basahing maigi upang hindi mabiktima ng mga sindikato ng credit card fraud.
Sa proseso ng pagtataas ng credit limit, una; Ipapaalam ng banko kung qualified ang credit card holder na itaas ang kanyang credit limit, karaniwan ay sa pamamagitan ng sulat kasama ang bank statement nito.
Ikalawa; walang representante ang banko na pupunta sa inyong bahay o trabaho upang iproseso ang pagtataas ng credit card limit, hindi ito gawain ng mga banko. Magduda na sakaling may nagpakilalang taga-banko na dumating sa inyong bahay o opisina.
Ikatlo, walang bayad kapag itataas ang inyong credit limit kahit na credit holder pa ang nag-apply nito.
Ikaapat, ang mismong card holder ang gugupit ng kanyang credit card kung meron nang bago o replacement ito na ipinadala ng banko kung saan, tinaasan na ang kanyang credit limit.
Muli, walang sinumang representante ng banko ang kukuha sa inyo ng mga luma o ginupit na credit card o personal na magdadala sa holder ng kanyang bagong card.
Ipinapadala ang bago at replacement card sa pamamagitan ng courier lamang.
Ikalima, hindi isinu-surrender sa banko o kahit kanino ang lumang credit card, mapa-expired man ito o may replacement. Nasa pangangalaga na ito ng card holder.
Paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang credit card ay may kaukulang responsibilidad. Hindi ito pribilehiyo ng kahit sino, hindi maaaring ipaubaya at ipagamit sa ibang tao.
Responsibilidad ng ba-wat credit card holder na-i-safe keep at ingatan ang kaniyang credit card. Anuman ang mangyari sa inyong card, may pananagutan kayo sa banko na dapat bayaran.
-Bahala Si Bitag | PSN
you must translate it in english.i don't understand hahaha biro lng
ReplyDeletehaha. how do you find my new theme?
Delete