Facebook

Thursday, August 18, 2011

Responsibilty, Respect, Reflect

"Hindi dahil sa kalayaang nasa iyo ay may karapatan ka ng gawin ang lahat ng bagay na nais mo. Lahat ng kalayaang tinatamasa mo ang may kaakibat na responsibilidad at respeto sa mga taong nakapaligid sa iyo."
-billy


Minsan dahil sa ating pananaw na malaya tayo, nakakalimutan nating i-evaluate ang ating mga actions. Nakakaligtaan nating tingnan na may nasasaktan pala tayong mga tao dahil sa pag-aakalang wagas at walang
limitasyon ang pagiging malaya natin.

Kung ganito ang magiging pananaw ng lahat sa atin, ano pa kaya ang magiging estado ng lipunang ating ginagalawan. Tiyak na isa itong lipunan na magulo at walang kaayusan.

Ngunit kung magiging sensitibo ang bawat isa sa atin at magiging responsable sa lahat ng kilos at gawa, magkakaroon tiyak tayo ng isang lipunan na maayos at may pagkakapantay-pantay.

Let's reflect....


myfreecopyright.com registered & protected

No comments:

Post a Comment