Facebook

Wednesday, June 8, 2011

Summer Escapade I

Ngayon ko lang maikukwento ang aking summer gimik with my friends. Ngayon lang kasi nagkaroon ng time na gawin. Almost 2 months na pala. Haha. Busy lagi sa work. Anyway this happened on April 21-22,2011

Bago sumapit ang Holy Week kung kelan two days walang pasok ang mga malls, nagpasya ang grupo na maligo sa isang resort sa Matabungkay sa Batangas. Siyempre excited dahil ngayon lang ulit muling magkikita-kita. Lahat kasi ay busy sa mga trabaho at ito lang ang tamang panahon upang makapagrelax.



Wednesday pa lang nakahanda na ang aking mga gamit para sa outing.  Shorts na panligo, konteng damit, pagkain, at siyempre ang bagong biling SLR. Haha. (I've managed to buy a DSLR through my little savings and credit card. Good that I have.) I decided to sleep early. I have to be at Lemery (Batangas) by 8:30. So 9:00 pa lang ng gabi nag-decide na akong matulog.

April 21, 2011:

Nagising ako, 6:00 ng umaga dahil sa alarm ng aking cp. Nagkape lang ako at agad na naligo. Excited sa outing. 7:00 na ng makaalis ako ng Lipa. Sabi nila 1.5 hrs daw ang byahe papunta sa Lemery. Mula dun byhae na naman papunta sa Matabungkay. Medyo may kahirapan ng sumakay kasi lahat ng sasakyan eh puno. Pero maluwag naman ang kalsada. Hindi ko alam kung tama ba sinakyan ko kasi first time kong magbiyahe papunta sa lugar na iyon. Bahala na. Adventure ika nga.  Nagbayad ako sa konduktor, Lemery sa may 7/11 sabi ko. Dun kasi usapan namin ng kasama ko papunta sa resort.

Medyo mahaba nga ang byahe. Ilang bayan din ang nadaanan ko sa byahe. Lahat ng mga landmarks at signs ay nabasa ko na siguro sa takot na mawala.  Matapos nga ang isang oras at kalahati na byahe narating ko na rin ang Lemery. Sumigaw kasi ang kundoktor na Lemery. Tinanong ko pa kung saan banda ang 7/11. Lampas na pala ako.Pagminamalas ka  nga naman.

So naglakad ako pabalik patungo sa 7/11. May kabigatan pa namanang mga dala ko. Dala ko din kasi laptop ko kasi deretso ako sa Quezon City after ng swimming. Ilang sandali lang dumating na din ang kasama ko na naka-motor. nagtungo pa kami sa kanilang bahay upang kunin ang kanyang mga gamit.

Pagkatapos nag-abang kami ng masasakyan patungo sa Lian upang dun sumakay patungo sa Matabungkay. Kung mahirap sumakay kanina sa Lipa, mas mahirap sumakay dito sa Lemery. Bihira na lang ang mga sasakyan na bumibiyahe. Kung may dumadaan man, puno na din lahat. Mukhang mahihirapan kaming makasakay.

Matapos ang ilang oras na paghihintay, napagkasunduan naming mag-cutting-trip na lang papunta sa Balayan. Sabi naman ng driver may masasakyan na daw dun papunta sa Matangbungkay. Sa wakas nakasakay na din kami. May kalayuan din pala ang Balayan.

Ibinaba kami ng driver sa may sakayan patungong Talisay o Calatagan. Hindi ko na matandaan marahil dahil sa pagod.. Agad kaming sumakay sa jeep. Mabuti na lang at ilang saglit lang ay umalis na rin ang jeep. Pagod at gutom na din ako. Sadyang malayo pa rin pala ito. Bumaba kami sa may terminal ng mga tricycle at mula doon ihahatid na daw kami sa resort sa matabungkay.


Salamat at sa wakas nakarating din kami matapos ang halos kalahating araw na byahe. Pagod na talaga ako.

(sa resort_____part 2)    


myfreecopyright.com registered & protected

No comments:

Post a Comment