Facebook

Sunday, February 12, 2017

Biyaheng Manaoag


Ang Shrine of our Lady of the Holy Rosary of Manaog ay pormal na iprinoklama na Minor Basilica noong February 17, 2015 matapos ang proklamasyon ni Pope Francis sa Roma noong October 11, 2014.
(Minor basilicas are traditionally named because of their antiquity, dignity, historical value, architectural and artistic worth, and/or significance as centers of worship. At the same time a basilica must stand out as a center of active and pastoral liturgy.)



Paano nga ba makarating sa Basilica ng Manaoag?


Mula sa Cubao pwede kang sumakay ng bus papuntang Manaoag, Pangasinan. I recommend Dagupan Bus dahil may deretsong byahe sila patungong Manaoag. Tatagal ng 5 o 6 na oras ang byahe depende sa traffic. Umalis ang bus sa Cubao terminal ng mga 6:00 ng umaga at nakarating ng mga 12:00 ng hapon. Medyo matraffic sa NLEX dahil may inaayos na daan. Marami din ang schedule ng mga misa kaya ayos lang kahit tanghali na makarating.



Huwag mag-alala dahil sakto ito sa budget.  
·         Cubao – Manaoag – Cubao (two way) =  Php628 (air conditioned bus)
·         May mga murang religious items na pwedeng ipasalubong = Php 25.00-Php200
·         Marami ding available na candle store para sa mga personal na hiling = Php7.00-Php20.00 depende sa choice mo.
·         Sa gilid ng simbahan ay may mga native delicacies at mga souvenir items
·         Meron ding mga murang kaininan na swak sa budget

Sa may mga sariling sasakyan, may malawak ng parking area kaya huwag mag-alala.

Paalala:

5:00pm ang last trip ng bus pabalik ng Manila.

To watch the video, click the link below








DMCA.com