Facebook

Wednesday, February 19, 2014

Ang Cybercrime Law sa Pananaw ng isang hamak na Blogger.

Criticism and/or giving your point of view on a particular matter is not libelous at all. Kaya relax lang madlang people. Ano ba ang pinagkaiba pangkaraniwang libel case sa online libel aside from the gravity of sanction? Wala naman di ba?

Cyberworld is now a part of mass media and just like TV and prints na may nagre-regulate, maybe it's time na ma-regulate din ang internet.

Kailangan nating maliwanagan na maraming probisyon ang batas na ito (tulad ng online libel, cybersex and phornography, and cyber squatting) upang malaman ng mga Pilipino kung ano ba talaga ang tinututulan nila. Tutol ba sila sa kabuuan ng batas o sa ilang probisyon lang nito.

Maraming netizens ang nangangamba na masisikil ang ating karapatan sa pamamahayag dahil sa bagong batas na ito (particularly on the provision on online libel).  Bigyan natin ng ilang punto ang usaping ito.

1.       Ano nga ba ang Libel? Ayon sa umiiral na batas sa ilalim ng Revised Penal Code of the Philippines, Libel is defined as a public and malicious imputation of a crime, or a vice or defect, real or imaginary, or any act, omission, condition, status, or circumstances... so on and so forth. Malinaw na ang libel ay pagpaparatang kasalanan sa isang tao ng walang basehan.
Halimbawa:
Non-Libelous:  Saan ba napunta ang pondo ng gobyerno na dapat ay para sana sa mga mamamayan? Kailangan magpaliwanag ni (pangalan ng pulitiko) para maliwanagan ang taong bayan.
Libelous: Ninakaw ni (Pangalan ng Pulitiko) ang pondo na dapat sana ay para mga mamayan.* *Pero kung may nakita mo o may record ka na katibayan, hindi na libelous ang pahayag mo.

2.       Ang batas na ito ay gagamitin lamang ng mga pulitiko upang pagtakpan ang katiwalian sa gobyerno. Kung may sapat kang katibayan laban sa katiwalian sa gobyerno bakit ka matatakot? Kung alam mong tama ka dapat ipaglaban mo. Bakit sa facebook mo lang ilalaban? Ang una among gawin magsampa ka ng kaso sa Ombudsman. Ilabas mo ang ebidensya mo at hindi ka makakasuhan. Hindi pwedeng sa social media lang dahil walang maglilitis ng kaso sa internet.

3.       Bakit ka mag-aakusa sa isang tao kung wala kang sapat na katibayan? Marami sa mga Pilipino ang madaling maniwala at manghusga base sa lamang sa kanilang mga naririnig o nababasa. Siguro panahon na para maging rational ang mga Pilipino na timbangin ang mga impormasyon sa internet.


4.       1987 Constitution, Article III Bill of Rights, Section 4 states that “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.”  Paano masisikil ang iyong karapatang mamahayag kung may basehan at makatotohanan ang iyong mga sinasabi? Sinabi ba sa batas na bawal mong sabihin ang katotohanan? Malaya mong ipahayag ang iyong saloobin sa paraan na hndi mo matatapakan ang karapatan ng ibang tao. Halimbawa: Nagpost ka sa facebook na nakita mo si Juan na minomolestiya ang alagang ninyong aso. Nabasa ng buong baranggay ang post mo. Hiyang hiya si Juan dahil sa post mo sa facebook. Sa puntong ito pwede ka niyang kasuhan ng libel kung wala kang maipakitang katibayan sa paratang mo. Malaya mo ngang nagamit ang kalayaan mo sa pamamahayag ngunit natapakan mo naman ang karapatan nya na mamuhay ng tahimik.  Ngunit kung may sapat kang katibayan o nakunan mo ng litrato. Kayo na lang ang bahalang mag-usap. Huwag  na ninyo akong idamay.. J

5.       Bakit matatakot ang mga Pilipino na maaari silang  makasuhan ng libel, dahil ba kasama na sa pang-araw- araw na buhay ng mga Pinoy ang tsismis? Nahihirapan lang tanggapin ng mga Pilipino ang bagong batas sapagkat nasanay sila sa tsismis. Maraming mga kritisismo na walang laman at hindi pinag-isipan. Yung tipong  Me ma lang. (May masabi lang). Reality bites.

Yung number 5 ay joke lang. Pero kapag pinagisipang mabuti ay parang totoo na din.

Based on the things that I pointed out, apparently, I’m in favor of this #CyberCrimeLaw. No one should be afraid of being charged as long as you know how to criticize the government constructively. This law can’t stop me to say what I feel as long as I am responsible for things that say. This is my opinion and I will stand for it.

Billy Lantita
Blogger

©Copyright Protected 2014

I don't own the picture

DMCA.com